top of page

Babala ng Simbahan | pagsasayang ng pagkain, seryosong kasalanan

  • Madel Moratillo
  • Sep 5, 2019
  • 1 min read

SERYOSONG kasalanan ang pagsasayang ng pagkain. Ito ang iginiit ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Vice-President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David kasabay ng panawagan laban sa pagsasayang ng pagkain.

Ayon kay David, para sa isang mahirap na bansa na tulad ng Pilipinas kung saan maraming mamamayan ang nagugutom, hindi katanggap-tanggap ang pag-aaksaya ng pagkain.

Tinawag pang ‘morally wrong’ ni David ang pagsasayang ng pagkain.

“It’s absurd to even think about the amount of food that goes to waste in a country where so many people go hungry,” pahayag ni David.

Nauna rito, isinusulong sa Kongreso ang “Zero Hunger Act” na nag-aatas sa mga food establishment sa bansa na i-donate ang kanilang mga sobrang pagkain sa charity at mga non-profit organization. Ayon pa kay David, madali namang tugunan ang ganitong problema kung papanagutin ang mga donasyong pagkain, halimbawa, dahil sa hindi tamang pag-handle nito.

Sa datos ng Food and Nutrition Research, ang isang Filipino household ay nagsasayang ng 43 gramo ng kanin, araw-araw, gayundin ng walong gramo ng iba pang uri ng pagkain tulad ng isda, karne at gulay.

Habang sa World Hunger Report 2018 naman ay nasa 13.3 milyong Pinoy ang ikinukonsiderang ‘food-insecure’.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page