top of page

Alupihan, babala na may maselang karamdaman

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 5, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Analyn ng Analyn_Siazon@facebook. com

Dear Professor,

Nanaginip ako na na­patay ko ang dalawang alupihan, tapos nahati ang mga katawan nila. Ano ang ibig sabihin nito?

Maraming salamat!

Naghihintay,

Analyn

Sa iyo, Analyn,

Tulad ng madalas na­ting ibinabahagi, ang alu­pihan sa panaginip ay sim­bolo ng pag­­kakaroon ng sakit o karam­daman.

Ito ay maihahalintulad sa mga karamdaman na ang dahilan ay ang pag­pasok ng mga masasa­mang kemikal sa katawan na nagiging sanhi ng sakit na mahirap pagali­ngin.

Sa panaginip na nahati at napatay mo ang alupi­han na pinanggagalingan ng ka­ramdaman, ibig sabihin, ga­galing ang taong may sakit.

Pero, hindi sa simpleng paraan kundi sa pagsunod sa mga sasabihin ng tunay na doktor. Halimbawa nito, ang tuluy-tuloy na pag-inom ng gamot na inire­seta ng doktor at pagsunod sa mga paalala nito, lalo na kung ang gamot ay pa­matay ng mikrobyo.

Kaya ang payo sa iyo, kung ikaw ang may sakit, sumunod ka sa iyong dok­tor at kung ang may sakit ay ma­hal mo sa buhay, kaila­ngang mapasunod mo siya sa mga ipinagagawa ng dok­tor.

Hindi biro ang managi­nip ng alupihan dahil ang in­sektong ito ay nagbaba­bala ng mabigat at mase­lang ka­ramdaman.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page