Para matahimik na raw ang anak mo, Dennis… HIRIT NG NETIZEN: JULIA,'WAG IMBITAHIN SI GERALD SA

TAPOS na pala ang ipinapagawang bahay ni Julia Barretto at all-set na siya na lumipat at magsimulang mamuhay independently.
Sa kanyang recent Instagram post, ipinahayag ni Julia na nag-shopping siya for her new home at ipinaliwanag kung bakit sa malapit pa rin sa bahay ng kanyang inang si Marjorie Barretto ang location ng kanyang bagong bahay.
“I went to do a little shopping since I am already moving into my new home.
“Fun fact: I will only transfer a few steps away from my mom’s house. People often find it weird and usually ask me, “why?” and I simply answer, “why not?” My mom is my bestest friend and my number one source of strength. Even though, she has raised me to be independent and brave, I still don’t see any reason why I should be far away from her.
“Sa totoo lang, kailangan ko pa rin siya. At least, I still get to have breakfast, lunch and dinner at her place. Makakatipid pa rin ako sa ulam at kanin. Sorry mom,” caption ni Julia sa larawan niya na tila nasa bagong bahay na niya.
Pinuri naman ng mga netizens ang pagiging brave girl ng young actress, although may mga nang-iinis pa rin at may isang nagkomento pa na huwag na lang daw i-invite si Gerald Anderson sa bagong bahay para maging peaceful siya.





Comments