top of page
LET’S SEE - AGOT, BIANCA, DINGDONG ATBP. ATENISTA, TAMEME SA KAHIHIYAN NG ATENEO SA PAGKAM

Mga dahilan at dapat iwasan para bumaba ang uric acid level

  • Ronalyn Reonico
  • Sep 4, 2019
  • 3 min read

No Problem

AYON kay Dr. Stacy Simpson, Family Medi­cine Physician ng Health ­Line, ang uric acid ay uri ng natural waste product na napo-produce sa pama­magitan ng pagtunaw ng pagkaing mayroong tina­ta­wag na purine. Ang pu­rine ay kadalasang naku­kuha sa karne, sardinas, dried beans at beer.

Ang uric acid ay kadala­sang nakukuha sa maling pag­didiyeta, genetics, obe­sity at stress. Ang ilang health disorders din ay ma­aaring magdulot ng mataas na uric acid level tulad ng kidney di­sease, diabetes, hy­pothy­roi­dism, cancer at pso­riasis. Pa­ano mapaba­baba ang uric acid level sa natural na pa­mama­raan?

1. IWASAN ANG ASU­KAL. Ayon kay See­ma Prasad ng Medical Daily, ang uric acid ay hindi la­mang nagpo-produce ng protein kundi ito rin ay pro­duk­to ng labis na pag­kon­sumo ng asukal. Ang ad­ded sugar sa softdrinks at iba pang mga pagkain ay naka­pagpapata­as ng pres­yon ng dugo na isa sa mga pa­ngu­nahing dahilan sa pag­kaka­roon ng mataas na level ng uric acid. Ang table sugar, fructose corn syrup ay isa rin sa mga panguna­hing dahilan sa pagtaas ng level ng uric acid kaya sey ng experts, huwag ku­main at uminom ng sugary foods at drinks tulad ng soda at mga fruit juice na hinaluan ng refined sugar.

2. UMINOM NG MA­- RAMING TUBIG. Ang pag-inom ng maraming tu­big ay nakatutulong para mag-function nang maayos ang kidneys. Sa tulong ng tubig, napa-flush out ng kid­neys ang uric acid nang mas ma­bilis. Ang payo ng ex­perts, uminom ng tubig kada oras kahit few sips lang.

3. IWASAN ANG AL­COHOLIC BEVERA­GES. Ang pag-inom ng al­coholic drinks tulad ng beer at whisky ay nakapagde-de­hydrate ng katawan. Nati-trig­ger din nito ang pagtaas ng uric acid level dahil sa ma­taas na purines na taglay nito. Nangyayari ito dahil mas kinakailangang una­hing salain ng kidneys ang alcohol na humalo sa dugo imbes na ang uric acid at iba pang dumi sa katawan.

4. PANATILIHIN ANG MAAYOS NATIM­BANG. Ang extra pounds ay naka­pagpapataas din ng level ng uric acid. Ang fat cells ay mas nakapagpo-pro­duce ng uric acid kaysa sa muscle cells. Ngunit, siyem­pre, kailangan pa ring kumonsulta sa nut­ritionist tung­kol sa tamang pagdidiyeta at tamang pa­raan ng pagbaba­was ng timbang.

5. PANATILIHIN ANG BALANSENG IN­SULIN LEVEL NG KA­TAWAN. Kahit hindi dia­betic, sey ng experts, kaila­ngan pa rin ang regular na pagbisita sa doktor para ma-check at ma-mo­nitor ang blood sugar level ng kata­wan. Ang mga taong may­roong Type 2 diabetes ay mayroong mas mataas na level ng insulin sa ugat.

6. DAGDAGAN ANG FIBER CONTENT SA DIET. Ang pagkonsumo ng maraming fiber ay makatu­tulong upang mabawasan ang uric acid sa katawan. Ang fiber din ang nakatutu­long upang mabalanse ang sugar at insulin level at sa tulong din nito, maiiwasan ang labis na pagkain o over­eating. Ma­halagang kumon­su­mo ng 5-10 grams ng fiber kada araw. Ang fresh fruits at vege­tables, oats, nuts at barley ay ang magandang pag­kunan ng fiber.

7. IWASAN ANG STRESS. Ang stress, poor sleeping habits at kakula­ngan sa pag-eehersisyo ay na­kapagpapataas ng inflam­mation sa katawan. Ang in­flammation ay isa sa mga pa­ngunahing dahilan ng pag­­taas ng uric acid level.

Ka­ilangang ugaliin ang mindful techni­ques tulad ng pag-eehersisyo at yoga upang mabawasan ang stress level. Mapa-prac­tice ang good sleeping hy­giene sa pam­ma­gitan ng pag-iwas sa paggamit ng digital screens sa loob ng 2 hang­gang 3 oras bago ma­tulog.

8. IWASAN ANG MGA GAMOT NA NA­KAPAGPAPATAAS NG URIC ACID LEVEL. Ang ibang medications at sup­plements ay nakapagpa­pa­taas din ng uric acid level sa dugo. Ito ay ang aspirin, Vi­tamin B-3 (niacin), diure­tics, immune-suppressing drugs at chemotherapy drugs.

Kaya kung kinakaila­ngang mag-take ng mga na­banggit na ga­mot, marapat na ku­mon­sulta sa doktor tungkol sa mga al­ter­nati­bong paraan ng me­dikasyon.

Now we know, mga lo­di! May mabisang paraan para maiwasan ang mataas na uric acid level, naturally! Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page