top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Katiwala ng canteen, kinatay

Levi Gonzales
Sep 4, 2019
1 min read

PATULOY ang imbestigasyon sa pagkamatay ng isang katiwala ng karinderya sa Bgy. Labuin, Sta. Cruz, Laguna.

Kinilala ang biktimang si Benzon Opinion, nasa hustong edad.

Ayon sa may-ari ng karinderya, alas-6:30 ng umaga nang tawagin niya si Opinion upang pagbuksan siya ng pintuan.

Dahil sa katagalan ng pagtugon sa kanya, minabuti nitong tawagan sa telepono ngunit, hindi pa rin ito sumasagot.

Tinungo nito ang likurang bahagi ng kanyang kainan at laking-gulat nito nang makitang nakahandusay sa sahig ang biktima.

Humingi siya ng tulong at pagpasok sa nasabing karinderya, nadiskubreng duguan at wala ng buhay ang biktima.

Inaalam pa kung may nawawalang mahalagang gamit sa loob at iba pang motibo sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page