Sundalo, todas sa rebelde
- Pabs Hernandez III
- Sep 3, 2019
- 1 min read
SAMAR—Isang sundalo ng Philippine Army (PA) ang namatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at New People’s Army (NPA) kamakalawa sa bulubundukin ng Basey.
Hindi muna pinangalanan ang biktima hangga’t hindi naipararating sa pamilya nito ang pagkamatay sa naganap na engkuwentro.
Nagpapatrulya umano ang mga sundalo nang pagbabarilin sila ng mga rebelde.
Sa kasalukuyan ay patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na NPA.





Comments