Mga magsasaka, pasok sa 4Ps
- J. Tumbado
- Sep 3, 2019
- 1 min read

DAPAT na rin umanong ipasaklaw sa mabibigyan ng benepisyo ng Conditional Cash Transfer Program ang mga magsasaka na matinding nalulugi ngayon sa pagbaha ng imported at smuggled rice kasabay sa pag-iral ng Rice Tariffication Law.
Ayon kay House Deputy Speaker Basilan Rep. Mujiv Hataman, nangangailangan ng karagdagang ayuda ang mga magsasaka mula sa gobyerno.
Bukod pa ito sa tulong na dapat maibigay sa mga magsasaka mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng Department of Agriculture (DA).
Paliwanag ni Hataman, ang tulong mula sa DA ay layong maging produktibo pa ang mga magsasaka habang ang ayuda ng DSWD ay pagtawid sa krisis.
Sa briefing ng DA sa House Committee on Agriculture and Food, sinabi ni DA Undersecretary Ariel Cayanan na sa 4th quarter pa ng 2019 mararamdaman ng mga lokal na magsasaka ang pakinabang ng RCEF.
Isinasaayos na rin aniya ang pagkakaloob ng credit assistance na P15,000 na walang ipapataw na interest at maaaring bayaran sa loob ng walong taon na pakikinabangan muna ng mga pinaka-apektadong rice farmers, depende sa lawak ng ektaryang sinasaka at sa naiaambag na produksiyon.





Comments