Grupo ni Faeldon, ipinala-lifestyle check ni sen. Imee
- BULGAR

- Sep 3, 2019
- 2 min read
GRUPO NI FAELDON, SAPOL KAY SEN. IMEE KASI IPINALA-LIFESTYLE CHECK NA SILA—May duda si Sen. Imee Marcos na may raket na “GCTA (Good Conduct Time Allowance) for sale” para makalaya ang mga presong sangkot sa mga karumal-dumal na krimen. Dahil d’yan, ang hirit niya ay isailalim sa lifestyle check ang grupo ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon.
Patunay ‘yan na mali ang satsat ng oposisyon na magiging tagapagtanggol lang ng Duterte gov’t. si Sen. Imee kasi kapag may nakita pala itong mali, kahit appointee ni P-Duterte sa BuCor ay sapol sa senadora.
Palakpakan naman d’yan!
◘◘◘
SA STATEMENT NI SEN. “BONG” GO, PAMILYA NG MGA BIKTIMA NG KRIMEN, NAGKAROON NG PAG-ASA —Kitang-kita sa mukha ng pamilya ng mga biktima ng krimen ang lungkot sa pagpapalaya sa mga akusado sa Chiong murder case, drug lords at planong pag-release kay ex-Mayor Antonio Sanchez.
Pero, nang sabihin ni Sen. Christopher “Bong” Go sa Senate probe na may utos na si P-Duterte na huwag palayain si Sanchez at ibalik sa kulungan ang mga pinalaya at papanagutin ang mga korup sa BuCor, kinakitaan ng pag-asa ang pamilya ng mga biktima kasi nangangahulugan itong patuloy nilang makakamtan ang hustisya, period!
◘◘◘
HAPPY DAYS NI FAELDON SA BUCOR, MATATAPOS NA?—Galit na sinabi ni Mayor Sara Duterte-Carpio na kasiraan sa ‘war on drugs’ ng kanyang ama ang pagpapalaya ng BuCor sa mga Chinese drug lords at dahil d’yan, ang mungkahi niya ay sibakin na raw si Faeldon.
Hala, tila malapit nang matapos ang happy days ni Faeldon sa BuCor, abangan!
◘◘◘
JUETENG SA BICOL REGION, NAG-BOOM!—Hindi lang daw sa Albay may pa-jueteng kundi pati sa Camarines Sur, Camarines Norte at Sorsogon.
Kung totoo ito, aba, dapat “ipatokhang” na nina Albay PD Col. Wilson Asueta, CamSur PD Col. Roderico Roy, CamNorte PD Col. Marlon Tejada at Sorsogon PD Col. Melecio Buslig ang mga jueteng lords kasi kapag nalaman ni P-Duterte na illegal gambling ang nag-o-operate sa Bicol Region at hindi ang legal na STL, tiyak na may “paglalagyan” sila sa pangulo, boom!





Comments