Educational drama film, ipapalabas sa mga sinehan

MAPAPANOOD sa mga sinehan ang educational drama film na nagpapakita ng kabayanihan ng mga miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) sa Oktubre.
Ayon kay BSP National President at dating Bulacan Gov. Roberto Pagdanganan, Jr., layunin ng pelikula na ipaalam ang halaga ng isang miyembro ng BSP.
Nilagdaan kahapon ang memorandum of agreement para sa paggawa ng pelikula na nilagdaan nina Pagdanganan at Film Producer Antonio Coral, Jr., ng Zebel Entertainment, Inc. na isa ring Boy Scout na sinaksihan ni Artistic Director at Production Head Fernando Nadera at BSP Secretary-General Rogelio Villa, Jr.
Pinamagatan ang pelikula na ‘On My Honor: Heroes Reborn’, na target ang premiere night sa Oktubre 26.





Comments