top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Caretaker tinodas sa burol ng kaibigan

Maeng Santos
Sep 3, 2019
1 min read

DEDO ang 56-anyos na caretaker matapos barilin ng hindi kilalang gunman ha­bang nasa burol ng kaibigan sa Na­votas City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Navotas Po­lice Chief P/Col. Rolando Ba­lasabas, hindi umabot ng bu­hay sa Navotas City Hos­pital si Hercules Bernardo, Jr., ng Bgy. Dampalit sanhi ng tama ng bala sa dibdib.

Alas-10:15 ng gabi, nasa lamay ng kanyang kaibigan ang biktima nang dumating ang suspek at walang sabi-sabing binaril ito sa dibdib bago tumakas.

Narekober ng mga ta­u­han ng SOCO sa crime scene ang isang basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na uri ng baril.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa po­sibleng pagkakakilanlan at pag­kakaaresto sa suspek ha­bang inaalam pa ang motibo sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page