Agawan sa puwesto | KAKOSA SINUNTOK, TODAS
- Janice Baricuatro
- Sep 3, 2019
- 1 min read

PATAY sa bugbog ang isang preso sa kulungan ng Dasmariñas City Police kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Police Supt. Nerwin Ricohermoso, ang nasawi na si Roberto Marinas, 55, nakulong sa kasong droga.
Suspek naman ang kapwa preso na si Zaldy Alvaran, 42, nakulong din sa kasong droga.
Sa panayam kay Col. Ricohermoso, kapwa nasa loob ng kulungan ang dalawa kasama ang iba pang mga preso nang magtalo ang dalawa nang agawin umano ng suspek ang puwesto ng biktima.
Nagkasagutan ang mga ito na nauwi sa suntukan. Hindi naman ito maawat ng mga kapwa preso na ayaw madamay sa gulo.
Sa lakas ng suntok na tinamo ng biktima ay lumagapak ito sa sementadong sahig saka nawalan ng malay.
Agad itong dinala sa pagamutan subalit, idineklarang dead-on-arrival.





Comments