Tiniyak ni P-Digong | PUMIRMA SA RELEASE ORDER NG 2,000 CONVICTED MURDERERS, RAPISTS AT DRUG LORDS,
- Mylene Alfonso
- Sep 2, 2019
- 1 min read

MANANAGOT kay Pangulong Rodrigo Duterte ang sinumang magpapalaya kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.
Nauna nang sinabi ni Sen. ‘Bong’ Go, na hindi rin naabisuhan ang pangulo sa paglaya ng 1,914 na preso dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Sinasabing napabilang sa mga pinalaya ay ilang preso na sentensiyado ng heinous crimes at drug pushers.
Papanagutin umano ng pangulo ang dinaanan ng papeles at pumirma sa kanilang release order.
Nauna nang sinabi ng Palasyo na lahat ng mga preso na sangkot sa heinous crimes pero, pinalaya nang maaga ay dapat maibalik sa kulungan.
Si Sanchez na hinatulan ng pitong habambuhay na pagkakabilanggo ay nakatakda sanang lumaya noong August 20, dahil sa GCTA na nabuking naman ng DOJ.





Comments