top of page

Sa mahihilig mag-cutics diyan, read n’yo ‘to! MGA PARAAN PARA MAPATIBAY ANG MGA KUKO

  • Donna Thea Topacio
  • Sep 2, 2019
  • 1 min read

HASSLE kapag nagpapahaba ka ng kuko, tapos, mapuputol lang din ito, hays!

Pero, may mga senaryo rin na kalalagay mo lang ng cutics tapos, biglang naputol ang kuko, panira talaga! Alam naming relate na relate kayo, kaya narito ang ilang paraan para mapatibay ang mga kuko:

1. MAGLAGAY NG BAWANG. Ang pagkuskos ng bawang sa mga kuko ay keri kung gusto nating mapaputi at mapatibay ito. Puwede ring maglagay ng bawang para makaiwas sa infections sa mga kuko at cuticle.

2. MAG-LOTION. Hindi lang sa balat dapat naglalagay ng lotion dahil inirerekomenda ng mga eskperto na ilagay din ito sa mga kuko nang sa gayun ay hindi mag-dry ang balat sa gilid nito na may epekto sa pagiging matibay ng mga kuko.

3. PAGPAHINGAHIN ANG MGA KUKO. Hinay-hinay lang sa paglalagay ng cutics, mga besh! Make sure na pagpapahingahin din natin ang ating mga kuko sa kemikal na mayroon ang nail polish dahil may masamang epekto kapag napasobra ito.

4. PUMILI NG MAGANDANG SHAMPOO. Kung para sa oily hair ang shampoo na ginagamit ninyo, ekis ‘yan, mga besh, dahil nakada-dry ito ng mga kuko dahilan para masira at numipis kaagad ito.

5. MAGING MAPANURI SA MGA PRO­DUKTO. Ang pagiging choosy ay kailangan ng tao dahil kapag go lang tayo nang go, may posibilidad na mapahamak tayo kahit sa simpleng bagay lang. Gets mo?

Kaya kung gusto ninyong ma-achieve ang malamodelo ninyong mga kuko dahil sa tibay at haba nito, make sure na susundin ninyo ang mga tip na ito.

Okidoki?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page