top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

P-Digong, nakipag-close sa U.S. at China para hindi bombahin ang 'Pinas

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 2, 2019
2 min read

INABISO na ng mga eksperto ang economic crisis sa U.S. mainland.

Sanhi ito ng ‘trade war’ sa pagitan ng U.S. at China!

◘◘◘

DAMAY sa krisis ang Pilipinas.

Maaaring ito ang ipinahihiwatig ni P-Di­gong kamakailan na maghanda ang mga Pinoy sa kritikal na sitwasyon sa mga susunod na araw!

◘◘◘

ANG krisis sa ekonomiya ay karaniwang ugat ng mga nagdaang digmaang pandaigdig.

Nasa teritoryo ng West Philippine Sea (WPS) ang military ship ng U.S. — maaaring ‘yan ang hinihintay!

◘◘◘

SA ‘Ikatlong Digmaang Pandaigdig’, maaaring muling madurog ang Maynila.

Nakatulong ang pakikipag­kaibigan ni P-Digong sa China upang kung sakaling magka­roon ng digmaan, hindi nito bobombahin ang Maynila!

◘◘◘

TALIWAS ang senaryo sakaling todo-suporta si P-Digong sa U.S. at ipagamit ang Pilipinas sa pag-atake sa China, tiyak reresbak ang mga Chinese sa pagpapakawala ng missile patungo sa ating bansa.

Ibig sabihin, ang pagiging neutral ni P-Digong sa pagitan ng U.S. at China ay makatu­tulong upang maipreserba at mailayo sa kapahamakan ang buong bansa!

◘◘◘

IPINAKIKITA rito kung gaano katalas ang diplomasya ni P-Digong kumpara sa mga naunang naupong pangulo sa Malacañang.

Si P-Digong ay may sariling disposisyon at makamandag ang kanyang diplomasya, kaibigan niya si U.S. Pres. Donald Trump at kaibigan din niya si Chinese Pres. Xi Jinping!

◘◘◘

ANG ‘Duterte diplomacy’ ang magliligtas sa buhay ng milyun-milyong Pinoy sakaling magka­initan ang U.S. at China.

Maililigtas din ni P-Digong ang trilyun-trilyong halaga ng ari-arian na mawawasak saka­ling magkaroon ng dig­maan!

◘◘◘

MAHIHIRAPAN ang Pilipinas na makakita pa ng “ikalawang Duterte” sa mga susunod na panahon.

Maaaring may mga pagku­kulang siya, pero ang kanyang ambag sa kapakanan ng mayorya ng mga Pinoy ay mahihirapang pantayan ng mga susunod na pangulo ng bansa!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page