P-Digong, balik-bansa na | WORKING VISIT SA CHINA, MATAGUMPAY

BALIK-BANSA na si Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ng madaling-araw matapos ang ikalimang pagbisita nito sa China.
Pinangunahan ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang send-off ceremony sa pangulo kamakalawa ng gabi sa Guangzhou Baiyun International Airport sa Guangdong Province, China.
Dumating ang pangulo sa Villamor Airbase sa Pasay City at sinalubong ng mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, naging matagumpay ang limang araw na working visit ng pangulo sa China.
Una nang idiniga ni Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jinping ang ruling ng permanent court of arbitration kung saan hindi kinikilala ang nine dash claim ng China sa South China Sea.
Nabatid na kabilang din ang anim na kasunduan ang nilagdaan sa pagbisita ng pangulo sa China na may kinalaman sa edukasyon, science and technology, finance, customs at iba pa.
Pinanood din ni Duterte ang laro ng Gilas Pilipinas kontra Italy sa 2019 FIBA World Cup sa Guangzhou.
Nakipagkita rin ang pangulp kay dating Michael Yang at global superstar Jackie Chan sa Beijing.





Comments