top of page
Pokwang.jpg

Nagpira-piraso sa ere; 9 patay | EROPLANO BUMAGSAK, SUMABOG SA RESORT

Levi Gonzales
Sep 2, 2019
1 min read

ISANG private plane ang bumagsak sa isang re­sort sa Barangay Pansol, Calamba City, Laguna, kahapon.

Base sa inisyal na im­bestigasyon, pasado alas-3:00 ng hapon nang bumag­sak ang nasabing eroplano sa isang resort sa Miramonte Village, Purok-6.

Sa panayam kay Calam­ba City Public Information Officer Jeff Rodriguez, nasa ere pa lang ang maliit na eroplano ay pagewang-ge­wang na ito at unti-unting nagpipira-piraso.

Ayon naman kay Jeffrey Rodriguez ng Calamba Public Order and Safety Office, nasa 9 ang patay sa insidente.

Sugatan naman ang mag-inang caretaker ng resort na sina Malou Roca, 40, at John Rey, 20, na agad namang di­nala sa ospital.

Napag-alamang galing sa Dipolog City ang eroplano at papuntang Maynila para sa medical evacuation.

Kabilang umano sa mga sakay ang isang pas­yente, mga nurse, doktor at piloto.

Patuloy pa ang imbestigasyon para sa pagkakilanlan ng mga biktima at ang dahilan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page