Ibang miyembro, hindi pabor sa SOGIE Bill… AIZA SA LGBTQIA+ COMMUNITY: ‘WAG N’YO KAMING PAGTAWANAN
- Vinia Vivar
- Sep 2, 2019
- 3 min read

MULI ay nagpahayag ang transman na si Aiza “Ice” Seguerra ng kanyang suporta sa pagkakaroon ng separate comfort room para sa mga transgender people na tulad niya.
Sa kanyang Facebook account, naninindigan siya na malaking concern daw sa kanilang transgender ang paggamit ng CR lalo na sa mga nakakaranas ng diskriminasyon.
“Sa totoo lang, and I am 100% sure, marami na pong transgender people ang nakakasama ninyo sa comfort rooms. Hindi n’yo lang alam or napapansin because they have already transitioned (nakakapag-take na ng hormones, probably gender reassignment surgery).
“Hindi kayo maiilang because they already look female or male. ‘Ika nga, nakapag-“blend in” na sila sa mata ng mga tao.
“Before this issue came out, wala naman kayong naririnig na mga transpeople harassing other people in comfort rooms. Because we go there for the very same reason na nagbabanyo kayo. Kailangan naming umihi at dumumi, mag-retouch at magpapogi.
“The comfort room issue is a concern for those of us who haven’t fully transitioned. Concern ito for those of us who know we are transgender but are being clocked (or looked at) because our features don’t look man or woman enough sa standards ng karamihan. Like I said, it is a concern that one cannot fully understand unless you’ve been in this position,” ang unang bahagi ng post ni Ice.
Dagdag pa ng OPM singer, nasasaktan siya kapag nakakabasa ng post ng ibang miyembro ng LGBTQIA community na against sa SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) Equality Bill.
“It pains me to see posts from friends especially from the LGBTQIA+ community na parang galit pa sa transpeople because we are speaking up about this.
“Pinagtatawanan kami, posting memes, and worse, speaking up against supporting the SOGIE Bill kasi hindi naman daw nila naranasan ang diskriminasyon, so hindi nila kailangan.
“Suwerte kayo kasi whenever you feel like going to the toilet, you can easily go without people questioning you. Hindi n’yo kailangang magpigil uminom ng tubig‘pag nasa labas kasi may trauma ka na magbanyo.
“Suwerte kayo, pero hindi lahat suwerte. Hindi lahat may boses at impluwensiya kagaya ninyo. Hindi lahat ay kayang tumayo at ipaglaban ang sarili nila.
“Suwerte po kayo. Paano ‘yung mga hindi?
“We are not disregarding your feelings or reservations about this issue. Kaya nga ang hiling namin ay sana may gender-neutral comfort rooms din para walang mailang on both sides. And siguro, malawakang pag-intindi sa kung ano ba ang kaibahan ng sexual orientation at gender identity,” pahayag pa ni Ice.
Sa huli ay nagbigay din ng mensahe ang transman singer sa kanyang mga kapatid sa LGBTQIA+.
“So, to my dearest straight and LGBT+ friends, don’t laugh at us. This issue may not concern you personally but it doesn’t discount the fact that we are here, there’s a lot of us and we go through this every day,” pagtatapos ni Ice.
At dahil nga noon pa ay talagang lumilikha ng debate ang isyung ito, sa comments section ay nagkaroon na naman ng matinding argumento ang mga netizens na tumututol at pumapabor sa SOGIE Bill, pati na sa pagkakaroon ng separate comfort rooms para sa mga transgender. Na ang ending, kung saan-saan napupunta ang diskusyon na umabot pa sa issue ng magsasaka, separation ng church at state, faith sa Diyos at iba pa.
Well, ang simple lang naman ng solusyon kung tutuusin at ito ay magtayo ng separate comfort rooms for the transman and transwomen. Bakit pa kailangang umabot sa kung saan-saan ang diskusyon?





Comments