top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Setyem­bre 02, 2019 (Lunes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Sep 2, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG SETYEMBRE 2, 2019 (Lunes): Masu­werte ka! Ang kayamanan, katalinuhan at kasikatan ay ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pag­silang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling ipina­alala sa iyo na kapag masa­ya ka, mas maraming ma­gagandang bagay ang mang­yayari sa buhay mo. Kaya bakit hindi mo hanapin ang magpapasaya sa iyo? Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-10-15-26-28-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mamasyal at makipagku­wentuhan ka! Hindi makagaganda sa buhay mo ang madalang na pag-alis ng bahay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-15-22-28-37-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Dagdag na su­werte ang para sa iyo, kum­ba­ga, susuwertehin ka at ang suwerte ay masusun­dan ng iba pang mga su­werte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran nga­yon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-24-26-30-37-41.

CANCER (June 21-July 22) - Kumilos ka na parang hawak-hawak mo na ang iyong pinapangarap. Ito ay sikreto na isinabuhay ng mga nagtagumpay na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-14-22-24-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ha­wakan mo ang nasa iyo na at saka mo para­mihin. Ang ganitong por­mula ng pagpapayaman ay dapat mong isabuhay ngayon dahil ang iyong ka­palaran ay sumasang-ayon. Masuwerteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-16-18-21-27-34-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kakaibang sigla ang hatid sa iyo ng araw na ito. Magagamit mo ito sa anu­mang layunin mo sa buhay. Tutukan mo ang paraan kung paano ka aasenso. Ma­suwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-6-11-15-23-27-30.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bumili ka ng bagong kasuo­tan sa araw na ito. Ito ang magsisilbing pampasuwerte mo sa buhay. Ang mga nabili mo na akala mo ay pampasuwerte ay huwag mong gamitin. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-12-16-27-30-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit ma­raming maka­kapal na ulap sa kalangitan, ang langit ay nagsasaya para sa iyo da­hil muling nagdaratingan ang magagandang bagay sa buhay mo. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-15-16-20-21-25-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ang nagta­nim ay may a­anihin. Ang wa­lang itinanim ay walang aani­hin. Ngayon ka mag­ta­nim ng magagandang bagay nang sa gayun, sa huli ay gumanda ang bu­hay mo. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-3-19-22-26-27-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ma­halaga kung may umaala­lay na sa iyo ngayon. Ang pasya ng langit ay bigyan ka pa ng aalalay sa buhay mo. Tang­gapin mo ito dahil muli, ito ang pasya ng langit. Ma­su­werteng kulay-black. Tips sa lotto-18-24-28-30-31-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong sayangin ang mga biya­yang nasa sa iyo. Huwag mong tularan ang iba na ka­pag masaya ay nagsasayang at kung anu-anong akti­bi­dad ang inaatupag. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-13-18-29-30-31.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka mapi­pigilan sa pag­paplano mo sa pagpunta sa malalayong lugar. Kahit hindi ka pa handa, walang magagawa ang kahit na sino dahil itutuloy mo ito. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-14-24-29-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page