Eroplano bumagsak, 2 piloto nadale
- Levi Gonzales
- Sep 2, 2019
- 1 min read

SUGATAN ang dalawang piloto makaraang bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano sa karagatang sakop ng Bgy. Papaya, Nasugbu, Batangas.
Pasado ala-1:00 ng hapon, minamaniobra ng biktimang si Pilot Capt. Eugne Avila, 65, kasama ang kanyang co-pilot na si Capt. Armando Ducat, 25.
Galing ng Kuyu, Palawan ang PA-23-250 Piper Aztec Multi Engine plane at pabalik sa Sangley Point, Cavite City, nang biglang nagkaaberya ang makina dahilan ng pagbulusok sa karagatan. Tuluy-tuloy na pumailalim sa tubig ng nasa 17 metro ang lalim kaya agad nasagip ang dalawang biktima ng mga mangingisda.
Agad silang isinugod sa pagamutan kung saan nagtamo ang mga ito ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.





Comments