Bawas-presyo sa gas

NAG-ABISO ang mga kumpanya ng langis sa pagpapatupad ng oil price rollback, bukas.
Ayon sa Pilipinas Shell, epektibo alas-6:00 ng umaga magbababa ito ng 15 sentimos sa presyo ng kada litro ng kerosene at 10 sentimos naman sa gasolina at diesel.
Gayundin ang kaparehong bawas-presyo sa gasolina at diesel na ipatutupad naman ng Petro Gazz.
Kahapon, alas-4:01 ng hapon nang unang nagpatupad ang Cleanfuel ng 20 sentimos na tapyas-presyo sa diesel habang 10 sentimos naman sa gasolina.
Ang bagong bawas-presyo sa petrolyo ay kaugnay sa pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.





Comments