Bagyong kabayan out, liwayway in
- V. Reyes
- Sep 2, 2019
- 1 min read

LUMAKAS na at naging ganap nang bagyo ang low pressure area (LPA) na nasa bahagi ng silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur at tinawag na ‘Liwayway’.
Ayon sa PAGASA, alas-10:00 ng umaga kahapon nang maging tropical depression ang LPA, ilang oras makaraang lumabas ng teritoryo ng bansa ang Bagyong Kabayan.
Gayunman, posibleng hindi na umano mag-landfall ang Bagyong Liwayway subalit, magdudulot pa rin ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa CARAGA at Davao Region.
Nagbabala ang ahensiya sa posibleng mga pagguho at biglaang pagbaha na dulot ng bagyo.
Huling namataan ang bagyo sa layong 405 kilometers ng east northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong hangin hanggang 55 kph.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kph at tinatayang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Huwebes ng umaga.





Comments