top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

6 kulong sa baril at shabu

  • Maeng Santos
  • Sep 2, 2019
  • 1 min read

ANIM na hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang arestado sa buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, alas-2:00 kamakalawa ng hapon nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU at PCP-3 sa pangunguna ni P/Maj. Jhobie Astucia ang buy-bust operation kontra kay Jayson David alyas Kalbo, 29, sa Bgy. 176, Bagong Silang.

Matapos iabot ni Kalbo ang sachet ng shabu sa undercover police kapalit ng P500 marked money ay agad itong dinakma, kasama sina Joey Llahto, 37, user; Levy Salvatierra, 28, user, at Don Laurence Villanueva, 23, pusher.

Narekober kay Kalbo ang buy-bust money, dalawang sachets ng shabu at dalawang ziplock na naglalaman ng pinatuyong dahon ng hinihinalang marijuana habang nakuha sa iba pang suspek ang apat na sachets ng hinihinalang shabu.

Alas-4:00 naman ng hapon nang maaktuhan ng mga pulis sina Dandy Borromeo alyas Alamat at Regie Soriano na nagsa-shabu sa loob ng isang bahay sa Bgy. 176, Bagong Silang.

Nakumpiska ang dalawang selyadong sachet ng shabu, isang nakabukas na sachet ng shabu, ilang drug paraphernalias na may bahid ng shabu at isang magnum .22 at limang bala nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page