4 yo & above open stakes
- Ding Taboy
- Sep 2, 2019
- 1 min read

HAHATAW sa Linggo, Setyembre 8 ang 2019 PHILRACOM 4 Year Old & Above Open Stakes Race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite at magkakaharap sa karera ang mga imported at lokal na mananakbo na 4-year old pataas.
Ayon sa Philippine Racing Commission (PHILRACOM) magpapanagpo ang mga kalahok na kinabibilangan ng Hitting Spree, Gomper Girl, Truly Ponti, Manalig Ka, Messi, Pangalusian Island, Sooner Time at Victorious Colt.
May papremyong P.5-M na hahatiin ng apat na unang makatatawid sa finish line. Tatanggap ng P300,000 ang kampeon habang P112,500 ang 2nd place, samantalang may P62,500 ang 3rd place at P25,000 ang 4th place. Pinapaboran ang Hitting Spree, habang magbibigay ng magandang laban ang Truly Ponti at Pangalusian Island at Victorious Colt.
Samantala, sa susunod na Linggo Setyembre 15 ang Sampaguita Stakes Race sa Santa Ana Park, Naic, Cavite. Maglalaban ang mga kababaihang kabayo na 4-Year Old ang above at may premyong P2-M para sa unang apat na makatatawid sa finish line.
Bukod sa trophy may premyong P1.2-M sa kampeon habang may P450,000 ang 2nd place at may P250,000 ang 3rd place habang may P100,000 sa 4th place.
Resulta ng Karera Sabado, Agosto 31, 2019.
Race 1 – Condessa (11) Finish: 11/1/2/10/7/5; P5.00 WIN (11) P6.50;
P5.00 FC (11/1) P10.50; P2.00 TRI (11/1/2) P13.00; P2.00 QRT (11/1/2/10) P88.80
P2.00 PEN (11/1/2/10/7) P379.20; P2.00 SIX (11/1/2/10/7/5) P1,137.80
Race 2 – River Island (5a) Finish: 5/7/4/6/9; P5.00 WIN (5) P6.50; P5.00 FC (5/7) P68.50; P2.00 TRI (5/7/4) P120.60
P5.00 DD (11/5) P13.50; P2.00 QRT (5/7/4/6) P440.80; P2.00 PEN (5/7/4/6/9) P1,390.60





Comments