top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 kelot tinadtad ng 5

Levi Gonzales
Sep 2, 2019
1 min read

DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang 21-anyos na lalaki habang kritikal ang kasama nito matapos pagtulungang pagsasaksakin ng limang kalalakihan sa Bgy. Sumilang, Gen. Luna, Quezon.

Alas-11:50 ng gabi, nasa dance party ang biktimang sina Edmon Pedernal, 21, at Leonardo Pastoral, 29, nang biglang lapitan ng limang suspek.

Kinompronta hanggang sa pagsasaksakin ng mga ito sa katawan bago nagsitakas.

Agad silang isinugod sa pagamutan subalit, nasawi si Pedernal habang patuloy na ginagamot si Pastoral.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang limang suspek sa nasabing krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page