Pagpatay sa may hawak ng files ng GCTA sa BuCor, imbestigahan!
- BULGAR

- Sep 1, 2019
- 2 min read
DAPAT TANGGAPIN NG MGA BADING ANG KATOTOHANANG MAY PUSO MAN SILANG BABAE, LALAKI PA RIN SILA SA PANINGIN NG IBA — Matapos ang insidente kung saan pinagbawalan ang transwoman na si Gretchen Diez ng janitress at ilang kababaihan na gumamit sa CR ng mga babae, nagreklamo naman ang isa pang bading na si Darna Evangelista dahil pinagbawalan daw siya ng sekyu nang pasakay siya sa bagon ng mga babae sa LRT 1.
Hay naku, kailan kaya matatanggap ng mga bading na tulad nina Gretchen at Darna na kahit sila ay may pusong babae, hindi sila puwedeng makigamit sa CR at sumakay sa bagon na pambabae kasi lalaki pa rin sila? Boom!
◘◘◘
MGA PRESONG SANGKOT SA MGA KARUMAL-DUMAL NA KRIMEN, NAKALAYA SA ILALIM NG GCTA — Kinumpirma ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na nakalaya na sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang pitong akusado sa Chiong murder case.
‘Yan ang mali sa isinabatas na GCTA noong nakaraang administrasyong Aquino kasi ginagamit ito ng mga “buwaya” sa Bureau of Corrections (BuCor) para palayain ang mga presong sangkot sa mga karumal-dumal na krimen, buwisit!
◘◘◘
IMBESTIGAHANG MABUTI ANG PAGPATAY SA OPISYAL NG BuCor — Ang pinatay na si Ruperto Traya, Jr., chief administrator officer 3 ng Inmates Documents Processing Section ng Bureau of Corrections (BuCor) ang siyang may hawak ng mga file ng GCTA at financial documents ng Bilibid.
Dapat imbestigahang mabuti ng mga awtoridad at Senado ang pamamaslang ng riding-in-tandem kay Traya dahil tila may kinalaman ang naganap na krimen sa mga presong pinalaya sa Bilibid sa ilalim ng GCTA, period!
◘◘◘
MANGINGISDANG PINOY, HULI AGAD PERO ANG MANGINGISDANG CHINESE, HINDI? — Siyam na mangingisdang Pinoy ang dinakip ng PNP-Maritime Group (MG) dahil daw sa illegal fishing sa dagat na sakop ng General Santos City.
‘Anyare sa Pilipinas, mantakin n’yo, ang mga mangingisdang Pinoy, nahuhuli agad, samantalang, ‘yung mga mangingisdang Chinese na nagsagawa rin ng illegal fishing sa karagatang sakop ng Pilipinas, “nganga” lang ang mga awtoridad, buwisit!





Comments