top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Nakita sa mall, inalok mag-artista, dinala sa condo | GRADE 10, INABUSO NG BADING

V. Reyes
Sep 1, 2019
2 min read

HULI sa entrapment operation ang isang hinihinalang pekeng talent scout matapos siyang ireklamo ng lalaking menor-de-edad na kanya umanong nabiktima.

Ikinasa ng mga operatiba ng NBI Interpol Division ang pagdakip sa suspek na nakilalang si JR Kison.

Ayon kay Ronald Agujo, hepe ng NBI-Interpol, nagpa­kilala ang suspek sa 16-anyos na biktima na talent scout at sinabing nagpasikat na umano ng ilang millennial na artista.

Sa salaysay ng biktima na estudyante sa Grade 10, nila­pitan umano siya ng suspek habang siya’y nasa mall sa Alabang at inalok na mag-artista at mag-model.

Kasunod nito ay dinala umano siya sa condo unit ng sus­pek sa Tagaytay para sa photoshoot na ang suspek mismo ang kukuha ng mga litrato.

“Bago niya ako piktyuran, may pinapainom po sa aking alak. Pinipilit niyang inumin ko raw po pero, hindi ko ininom,” salaysay ng biktima.

Nang maramdaman ng biktima na may gagawin nang hindi maganda ang suspek sa kanya ay agad siyang nagbihis at umalis.

Pagbalik sa Maynila ay sinuyo umano ng suspek ang biktima upang muling makuha ang tiwala nito kasabay ng pangako na bibigyan ng pambayad ng tuition, pera at ipangsa-shopping ng mga damit.

Lumapit na sa NBI ang biktima kasama ang kanyang pa­milya upang isumbong ang insidente at saka ikinasa ang operasyon. Sinabi naman ni Agujo na nakababahala na ang mga katulad na insidente na ang karaniwang nabibiktima ay mga menor-de-edad.

Idinepensa naman ng suspek na pera lang umano ang gusto ng biktima sa kanya.

Iniinspeksiyon na ng NBI ang cellphone at iba pang gadget ng suspek upang marekober ang mga iniingatan umano nitong sensitibong mga larawan.

Nahaharap ngayon sa reklamong qualified human traf­ficking ang suspek. Inimbitahan naman ng NBI ang lahat ng mga posibleng nabiktima umano ng suspek na makipag-ugnayan sa kanila upang maghain ng reklamo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page