top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mapa-career, relasyon at pag-aaral pa ‘yan, besh... MGA PARAAN PARA MAKA-SURVIVE SA NEW CHAPTER NG B

  • Donna Thea Topacio
  • Sep 1, 2019
  • 1 min read

MARAMI sa atin ang nasa stage kung saan bagong-buhay na ang tinatahak tulad ng mga dating estudyante na ngayon ay nagtatrabaho na, mga empleyadong gustong bumalik sa pag-aaral, mga young adult na gusto nang bumuo ng pamilya at mga indibidwal na gusto nang magpalit ng career. Simple lang ito kung pag-uusapan, pero mahirap kapag pinagdaanan, kaya narito ang ilang paraan para maka-survive sa new chapter ng buhay:

1. MANINDIGAN. Yes, besh! Hindi puwedeng nagdesisyon ka na, tapos, hindi mo naman pala kayang panindigan. Kung ganu’n ‘yung gagawin mo, hindi lang panahon ang masasayang kundi pati ang in-invest mo tulad ng pera at effort. Hindi tayo sexbomb na kapag lumaban, eh, babawiin din naman. Gets mo?

2. HABAAN ANG PASENSIYA. Hindi porke bago na ang chapter ng buhay mo, eh, mabilis ka nang aasenso. Siyempre, tulad dati, marami ka pang pagdaraanan at hindi ka makauusad kung nagmamadali ka dahil ‘ika nga, sa pagmamadali, marami ang nagkakamali.

3. MAGING POSITIBO. Ang pagiging positibo sa buhay ay nagkakaroon ng magandang epekto sa ating ginagawa. Kung magiging positibo ka kahit nahihirapan ka na, for sure, walang magagawa ang pagsubok. Naks!

4. UGALIING MAGDASAL. Sa totoo lang, ang pagdarasal ay hindi lang para humingi nang humingi sa nasa itaas, bagkus, paraan din ito para kausapin Siya at tanungin kung tamang landas ba ang tinatahak mo at kung oo, panigurado, ipaparamdam Niya ‘yun sa iyo.

Kaya kung natatakot at nalilito ka, don’t worry dahil yakang-yaka mo ‘yan, beshy!

Maging malakas ka, hindi lang para sa sarili mo kundi maging sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa iyo.

Tandaan, new chapter means new beginning and opportunities! Okidoki?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page