top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Construction worker huli sa akto sa droga

Gina Pleñago
Sep 1, 2019
1 min read

KULONG ang isang construction worker nang mahuling nilalaro at sinusuri ang hawak nitong iligal na droga sa Pasay City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Bernard Donggon, 43, may asawa, nasa drug watchlist.

Batay sa ulat, nagpapatrulya ang mga tauhan ng Police Community Precinct Central Park, alas-8:30 ng umaga nang mamataan ang suspek sa panulukan ng Maryluz St. at M. Dela Cruz, Bgy. 127, Zone 13.

Napansin nina Cpl. Banjim Paul Esguerra at Cpl. Ryan John Ifanto ang nakatayong suspek sa eskinita at tila nilalaro at sinusuri ang maliit na sachet.

Nilapitan nila ang suspek na nagulat at nagtangkang tumakas na agad namang nasakote.

Nakuha sa suspek ang isang selyadong pakete na naglalaman ng umano’y shabu na sanhi ng kanyang pagkakadakip at dinala sa tanggapan ng Station Drug Enforcement Team para imbestigahan kung saan nadiskubreng kabilang ito sa drug watchlist.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page