Asia's Songbird, weder-weder lang talaga 'yan… REGINE, EXTRA SA MOVIE NI SARAH

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

HINDI lang ang Popstar Princess ang dapat abangan sa recent movie niya ngayong Unforgettable dahil makikita sa mga ipino-post sa socmed ng direktor ng pelikula na si Jun Robles Lana at ng Viva Films na mukhang magiging star-studded ito.
Ang kasama sa cast na inanunsiyo ay sina Ara Mina, Kim Molina, Meg Imperial, Gina Pareño at Yayo Aguila. Pero habang ginagawa ang pelikula, makikita na nasa set ang ilang bigating stars tulad nina Asia’s Songbird Regine Velasquez at Anne Curtis.
Noong Huwebes, nagbahagi naman ang mga veteran actors na sina Tirso Cruz III at Cherie Gil ng litrato nila kasama si Sarah.
Ang post ni Tirso ay nilagyan niya ng caption na: “Here I am with the multi-talented, love young lady Sarah Geronimo while we were shooting yesterday.”
“I am one of the many guests in her movie,” pagbubulgar pa ng magaling na aktor.
Sa post naman ng Kapuso actress na si Cherie Gil ay pinuri niya si Sarah bilang “simple and humble.”
Pahayag pa ng aktres, “Such a pleasure though short. Looking forward to watching the film. It’s a lovely refreshing story!”





Comments