top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Resbak ng kalabang grupo | GRADE 10 BINARIL SA ULO

  • Jeff Tumbado
  • Aug 31, 2019
  • 1 min read

UTAS ang 17-anyos na binatilyo matapos barilin sa ulo ng tatlong lalaking naging kaalitan nito sa Bgy. Handumanan, Bacolod City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si John Martin Ronamo, Grade 10 student. Batay sa inisyal na report ng Bacolod City Police, matagal nang alitan sa pagitan ng kalabang grupo ang hinihinalang dahilan ng pagpatay kay Ronamo at bilang paghihiganti ng kalabang gang.

Nauna rito, nakatayo ang biktima sa labas ng tindahan nang lumapit ang tatlong suspek. Nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan nila bago ito binaril sa ulo.

Sa tulong ng mga residente, nahuli ang dalawa sa tatlong suspek kung saan isa rito ay menor-de- edad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page