top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pramis, 'di raw madali… TSONG JOEY, MAY PAYO SA MGA MAY KABIT

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 31, 2019
2 min read

AMINADO si Tsong Joey Marquez na very true-to-life ang ginagampanan niyang role sa bago niyang serye sa Kapamilya Network, ang Pamilya Ko na pagbibidahan nila nina Sylvia Sanchez at JM De Guzman, at tampok din sina Arci Muñoz, Alyssa Muhlach, Maris Racal, Kiko Estrada, Kid Yambao, Jairus Aquino, Kira Balinger, Mutya Orquia at Raikko Mateo.

Sa trailer ng bagong Kapamilya series, ipinakita kasing may ‘kabit’ si Tsong Joey na gagampanan ng magaling na aktres na si Irma Adlawan.

Kaya naman, nahingan namin ng payo ang maga­ling na komedyante-aktor para sa mga tulad niyang lalaking dumaraan sa gani­tong sit­wasyon.

Hindi naman itinago ni Tsong Joey na nu’ng kaba­taan niya ay marami siyang nakarelasyon at nagkaroon nga ng mga ‘sideline’. Aniya, hindi madali ang mag-handle ng ganitong sitwas­yon, pero ngayon, thankful siya na tapos na siya sa pa­giging chickboy at one-woman man na raw siya.

Ani Joey, “Nangyari sa akin ‘to nu’ng araw, dahil bata ka, iresponsable ka... Ang balik ko na lang du’n, siguro, nagpakasama man ako noon, patungo na ako sa pagpapakabuti.”

Dagdag pa niya, “Dito (Pamilya Ko series) ko natu­tunan na ‘di pala dapat gawan ng excuses ‘yung mga pagkakamali dahil it’s a choice. Ito ‘yung para maipakita rin sa mga kabataan na humahanga, akala nila, okay ‘yung marami kang chicks, pero hindi ganu’n kadali. Mahirap magkaroon ng responsibilidad lalo na kung ‘di mo bibigyan ng oras at saka pagkakataon.

“Itong aral siguro na makikita natin, ‘wag gawan ng dahilan ang pagkakamali, gawan ng solusyon. At ang solusyon, kung paano magiging mas mabuti at responsable sa mga pagkakamali para ‘di na tularan ng iba,” hirit pa ni Tsong Joey na hahangaan mo dahil sa pagpapakatotoo niya.

Wala ba siyang regrets sa mga nangyari?

“Oo naman, wala akong regret kasi kung magre-regret ako, mawawala ‘yung isang anak ko, eh. So, lahat ng anak ko, binigyan ako ng oras para makapiling ko. As a matter of fact, nasa akin lahat sila. So, kung mabubuhay akong muli, ‘di ko na babaguhin ang sarili ko pero itatama kong mabuti para sa pamilya,” makabuluhan pang sagot ng nag-iisang Joey Marquez.

So, i-expect nating sa Pamilya Ko na iikot nga ang kuwento tungkol sa pamilya, marami na namang aral na ituturo ang seryeng ididirek ni Raymund Ocampo na magsisimula na sa September 9 sa ABS-CBN.

Ipapakilala rin sa serye bilang bagong leading lady ni JM De Guzman ang magandang anak nina Almira Muhlach at Paul Alvarez na si Alyssa Muhlach, habang may mahalagang role naman si Ms. Rosanna Roces.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page