Nazareth-nu, naka-sweep ng 5th win sa best center
- BULGAR

- Aug 31, 2019
- 1 min read

NAWALIS lahat ng Nazareth School of National University ang limang laro sa Passerelle Division habang natupad na ng La Salle Greenhills-A ang hangarin sa Small Basketeers Philippines na makamartsa sa semifinals ng Best Center twin tournaments sa nakaraang weekend.
Giniba ng Nazareth School of NU ang La Salle Greenhills (2-2), 57-27 para sa ika-5 diretsong panalo sa Passerelle kasunod ng unang panalo ng San Sebastian College-Recoletos sa apat na laro kontra wala pang panalong Casimiro A. Ynares Sr. Memorial National High School, 68-34.
Biniktima rin ng LSGH-A ang iba pang team upang masungkit ang ika-4 na diretsong panalo at tumuntong sa tuktok ng semifinals seeding sa Group ng SBP Division sa iskor na 54-23 na pagdemolis sa San Beda College (2-2).
Ipinatas ng College of St. Benilde ang record sa 2-2 sa bisa ng ng 41-25 na pagpapadapa sa Claret School (2-2) para makapasok sa semis. Nalagay lang ang Claret at San Beda sa semis consolation round ng twin tournaments. (MC)





Comments