top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Illegal foreign entertainers, arestado | IBA PANG NIGHT CLUB, LAGOT!

Mylene Alfonso
Aug 31, 2019
1 min read

INIUTOS ang pagpa­pasara sa lahat ng establisim­yento na iligal ang operas­yon.

Ayon kay Secretary to the Mayor Bernie Ang, ang kautusang ito ni Manila Ma­yor Francisco ‘Isko More­no’ Domagoso ay kasunod ng pagkakaaresto sa 10 dayuhang babae na iligal na nagtatrabaho bilang mga entertainer sa isang night club sa Malate.

Una nang binitbit ang mga dayuhang babae mata­pos ang ginawang inspeksi­yon ng mga tauhan ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) na pinamumu­nuan ni P/Maj. Rizalino Ibay.

Agad ni-revoke ni Ang ang business permit ng SHA-SHA KTV Bar sa Ma­late Crown Plaza sa Adria­tico Street, Malate at mabilis na ipinasara.

Nakikipagkoordinasyon na ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa Bureau of Immigration (BI) upang ma­la­man ang status ng mga da­yuhang babae.

Dagdag pa ni Ang, kung seryoso si Moreno ay ganun­din si Vice-Mayor Honey La­­cuna bilang acting mayor.

Sinabi ni Ang na may pa­nahon pa ang mga establisim­yento na itama ang kanilang sistema upang hindi sila ma­ipasara.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page