Horoscope | Agosto 31, 2019 (Sabado)
- Maestro Honorio Ong
- Aug 31, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 31, 2019 (Sabado): Marami kang lantad at lihim na kaaway, pero ikaw pa rin ang magwawagi. Maiiwanan mo sila nang milya-milya hanggang sa sumuko na sila.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Aangat ka pa! Ang pagkakataong mapaganda mo ang iyong kalagayan ay mananatiling nasa sa iyo sa mahabang panahon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-20-30-33-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magdagdag ka ng kaalaman kung paano mo mas mapahuhusay ang iyong mga katangian. Hindi ka mabibigo dahil ang nadaragdagan ng kaalaman ay papasulong ang buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-13-17-22-25-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Madidikit ka sa mga taong may sinasabi at mga nagtagumpay na. Ididikit ka ng langit sa kanila nang sa gayun ay mabilis na matupad ang iyong mga pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-26-28-31-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Kahit mahina ka, ang katuparan ng mga pangarap mo ay mapasasaiyo. Ang mahina ay lumalakas at ang malakas ay humihina, isa itong batas ng katalagahan na umiiral sa lupa. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-17-27-31-32-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Maghinay-hinay ka lang! Huwag kang magmadali na magtagumpay. Ang bunga ay hinihintay na mahinog bago pitasin at kainin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-14-29-32-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dadaloy sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Dumating na ang takdang panahon kung kailan sa bawat gagawin mo, ikaw ay makikinabang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-12-17-18-23-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hayaan mo lang at huwag mong iwasan ang mga may sinasabi na maging bahagi ng iyong buhay. Dala-dala nila ang mga regalo mula sa langit para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-16-22-29-33-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagbabalita ang araw na ito at ang ilang mga araw pang darating na magbabago ang takbo ng iyong kapalaran kung kailan magsisimula na ang maliligayang sandali para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-25-26-32-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nasasagap ng tao ang pagdating ng kanyang kapalaran. Masigla ka ba, palaging nakangiti at may kakaibang masarap na pakiramdam? Ibig sabihin, ikaw ay susuwertehin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-22-27-30-31-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tataas ang posisyon mo at dahil dito, maglalabasan ang mga naiinggit sa iyo. Huwag kang mag-alala, ipanatag mo ang iyong sarili. Wala silang magagawa kundi ang mainggit lang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-20-25-37-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsasaya ka at hindi ka maaawat. Ito ay dahil panay ang dating sa iyo ng mga biyaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-21-27-30-35-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Darapo sa iyo ang malaking suwerte. Mababawasan ito kapag hindi ka nakahanda, pero wala kang dapat ipag-alala dahil ang maiiwan sa iyo ay sobra sa sapat. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-13-18-22-27-33.




Comments