top of page
Pokwang.jpg

Hindi maka-move on sa ex kaya ka-holding hands pa sa panaginip

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 31, 2019
1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Jho ng Jho _Abiado@facebook.com

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na mag­kahawak ang mga kamay namin ng ex ko habang naglalakad?

May sinasabi siya, pero hindi ko maintindihan, tapos nagising na ako.

Naghihintay,

Jho

Sa iyo Jho,

May bago ka bang boy­friend? Kumusta ang love life mo ngayon?

Kung ang sagot mo ay oo, ang sabi ng panaginip mo ay hindi ka masaya. Ito rin ay nagpapahiwatig na hindi ka kuntento sa bagong boy­friend mo.

Pero, kung ang sagot mo naman ay wala, as in, zero ang love life mo, ang pana­ginip mo ay nagsasabing, hanggang ngayon ay nasa puso at isipan mo pa rin ang ex-boyfriend mo.

Tinatawag na “ex” ang nakaraang kare­lasyon, pero tulad sa iyo na nasa puso at isipan mo pa rin siya, hindi siya ma­tatawag na “ex” dahil mas okay na tawagin siyang “forever” in the world of love.

Paano kung magkaroon ka ng iba sa near future, tama pa rin ba na may “for­ever”? Oo, iha, sa tulad mo na kahit pa dumami ang maging boyfriend mo, siya pa rin at wala nang iba ang iyong tunay na mahal kaya muli, that is what they called “forever”.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page