Hayskul, nakatiyempo | BULLY NIRATRAT, TODAS

PATAY sa pamamaril ang isang lalaking nambu-bully sa estudyante na kapitbahay nito sa Leyte.
Dead-on-the-spot ang 58-anyos na biktima na si Artemis Brazil, naninirahan sa Bgy. Cayare, San Miguel.
Nakilala ang suspek na si Jorent Greg Labaclado, 20, senior high school student ng San Miguel National High School at kasalukuyang ginagamot sa ospital na nasugatan sa nangyaring pamamaril nito.
Nabatid sa imbestigasyon ni Police Master Sergeant Rico Cañeda ng San Miguel Municipal Police Station, apat na beses na pinagbabaril ni Labaclado si Brazil nang tambangan ito malapit sa labas ng bahay ng biktima.
Sinasabing matagal na umanong may galit ang suspek sa biktima dahil maraming beses na itong binu-bully at pinagsasalitaan ng masasakit na salita dahil sa estado ng kanilang pamumuhay.
Isang tama ng bala ng baril sa ulo at tatlong tama sa katawan ang dahilan ng agarang pagkamatay ni Brazil.
Isinailalim na sa hospital arrest ng pulisya si Labaclado dahil sa tinamong sugat sa kanyang paa dulot ng ligaw na bala na tumama nang bunutin nito ang ginamit na .45 kalibreng baril sa krimen.
Nahaharap sa kasong murder at illegal possession of firearm ang estudyante.





Comments