Baguio city, 3rd virtual champ sa batang pinoy


HALOS kinopo na ng Baguio City ang kanilang ikatlong sunod na overall champion titles sa Batang Pinoy matapos muling manguna sa paramihan ng gold medal habang nagparamdam din ng lakas ang mga siyudad ng Talisay, Makati, Muntinlupa at Taguig sa huling araw ng kompetisyon ng Batang Pinoy National Finals kahapon sa Puerto Princesa, Palawan.
Naselyuhan ni Cebuana archery sensation Aldrener Igot Jr. ang puwesto na may pinakaraming medalya sa Batang Pinoy matapos magwagi sa boys team at mixed competitions at mailagay sa walo ang nahakot na gold medal.
Kampeon sa 2017 Vigan National Finals at sa nakaraang taon edisyon, naitaas ng Baguio sa 40 golds, 31 silvers at 42 bronze ang nahakot na medalya at iwan ng milya-milya ang karibal sa Cebu City, Quezon City, Davao City, Pasig City at Laguna para sa tagisan sa overall title. Nasa 2nd place ang Davao City na may 27-22-29 gold-silver-bronze sa medal tally na sinundan ng Quezon City (22-22-21); Cebu City (21-23-22) at Laguna (18-19-16). Tatanggap mula sa Philippine Sports Commission si Willliam Ramirez ng P3-M ang champion local government unit, P2.5M sa 2nd place at P2-M ang 3rd placer. Ang 4th overall winner ay may P1.5-M at P1-M para sa 5th placer.
Umangat sa medal tally ang Baguio nang dominahin ang wushu at muay thai sa iconic NCCC Mall sa pangunguna nina muay thai fighters Jether Bab-Anga, Azreal Duping, Charlwayne Bannagad, Larsstephen Cañedo, Edel Alingina, Aira Nicole Mendoza, Krisna Malecdan, Francine Jade Velasco, Maria Isabel Malijana at Ashlene Kia Malecdan.
Sa wushu, gold ang hinakot nina Baguio bets Aleca Breana Dumseng, Andrei Roy Albert, Alyna Jo Lomibao at Stephanie Tilap, Janae Verah Dulay at Hans Lubguban.
Sa iba pang resulta, nakakuha ng gold sina Zion Daraliay ng Tuguegarao City sa female San Lu Quan (elementary barehands); Alexander Gabriel De Los Reyes ng San Juan sa male San Lu Quan (elementary barehands); Hunter Lauren Antolin ng Davao City sa female Dao Shu (elementary short weapon) at si Ivan Mabahin ng Tacurong City male Dao Shu. Naka-gold din ang Baguio kay finweight Adrian Paul Yadao sa junior men. (MC)





Comments