After mag-break… MARIS, PAG-IISIPAN PA KUNG BIBIGAY ULI KAY IÑIGO


BITIN ang sagot nina Iñigo Pascual at Maris Racal tungkol sa pag-attend nila sa nalalapit na Star Magic Ball this year.
For the past two years kasi ay silang dalawa ang magkasama. But now, mukhang magkakani-kanya muna ng partner o magso-solo muna ang MarNigo sa star-studded event ng Kapamilya Network.
Natanong sina Iñigo at Maris tungkol dito sa naganap na mediacon ng pelikula nila para sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino ng FDCP na I’m Ellenya L. na ipapalabas mula Setyembre 13-19 sa mga sinehan.
“Abangan si Ellenya and si Peng sa Ball,” lahad ni Iñigo na unang sumagot when asked kung sila pa rin ni Maris ang magkasama sa 2019 Star Magic Ball.
Nagbigay din ng pahayag si Maris tungkol dito.
“Pag-iisipan ni Ellenya kung magkasama tayo,” dagdag naman ni Maris.
Peng ang pangalan ng karakter ni Iñigo at Ellenya naman si Maris. Ambisyosang babae sa movie ang karakter ni Maris na gustong maging sikat na vlogger.
Kasama rin sa I’m Ellenya L. sina Patrick Sugui at Gio Alvarez na mula sa direksiyon ni Boy2 Quizon.
Ang I’m Ellenya L. ay hatid ng Spring Films, Cobalt Entertainment and Black Sheep. Present ang isa sa mga producers ng I’m Ellenya L. sa mediacon na si Neil Arce.
Si Neil ang fiancé ng aktres na si Angel Locsin. Hindi naman nakaligtas si Neil sa media nu’ng tanungin tungkol sa kasal nila ni Angel.
“I will not divulge any information na papagalitan ako pag-uwi ko sa bahay. Thank you very much,” magalang na sabi ni Neil.
Pag-uwi niya raw sa bahay ay lagot siya kay Angel. Napaisip tuloy kami kung kaninong bahay ang tinutukoy ni Neil. Bahay ba niya o kay Angel?
Or teka, nagli-live-in na ba ang dalawa?





Comments