top of page
Pokwang.jpg

3 kulong sa shabu

Maeng Santos
Aug 31, 2019
1 min read

TATLONG hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang arestado sa buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan City.

Sa nakarating na ulat kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, alas-8:00 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU at PCP-1 kontra kina Merick Ranier Obong at Ryan de Guzman sa Bgy. 151. Nakaiskor sa mga suspek ng isang sachet ng shabu na nagkakahalagang P500 si PCpl. Leonard Acain na umaktong poseur-buyer.

Nang magkaabutan, agad dinamba ang mga suspek at narekober sa mga ito ang buy-bust money at sachet ng shabu habang natimbog din si Juvy Miaga matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu. Nakumpiska kay Miaga ang isang nakabukas na sachet na may bahid pa ng shabu at mga drug paraphernalia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page