2,000 convicted murderers, rapists, drug lords na nagpakabait at pinalaya — Palasyo | IBALIK SA KULU

PURSIGIDO ang Malacañang na dapat maibalik sa kulungan ang higit sa 2,000 “heinous crime” convicts na umano’y nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) mula nang ipatupad ang Republic Act 10592 noong 2013.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Salvador Panelo, malinaw na hindi saklaw ng nabanggit na batas ang good conduct time allowance para sa mga heinous crimes convict.
Dapat din aniyang isilbi ng mga kriminal sa kulungan ang kanilang pagkakabilango batay sa kanilang sentensiya.
“Dapat makabalik sila sa kulungan until they serve the full term of their service,” ani Panelo.





Comments