top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Willie at Tito Sen., mga ninong… VALERIE, SA DEC. 28 IKAKASAL SA CAVITE

  • Vinia Vivar
  • Aug 30, 2019
  • 2 min read

HINDI nakarating si Valerie Concepcion sa media launch/conference ng indie (inde­pendent) film na Marineros: Men in the Middle of the Sea na ginanap last Tuesday dahil kasalukuyan siyang nasa US kasama ang fiancé na si Francis Sunga.

Four months na lang at ikakasal na sina Valerie at Francis at abalang-abala sila ngayon sa preparasyon ng wedding.

Sa palitan namin ng mensahe ng aktres kahapon sa Facebook Messenger, she revealed na gaganapin ang wedding nila rito sa ‘Pinas on Dec. 28 sa The Hills at Silang, Cavite. Ipinahayag niyang sobrang excited na siya sa kanyang kasal but at the same time ay kinakabahan.

“Hindi pa rin po ako makapaniwala na in 4 months, I’ll walk down the aisle with my answered prayer. Ang tagal ko po hinintay ang moment na ikakasal ako and I can’t wait to make new adventures with Francis. Super-bait po kasi itong lalaki na ito. Blessing po talaga from God na dumating siya sa buhay namin ni Heather (her daughter),” pahayag ni Val (nickname ni Valerie).

Halos kumpleto na raw sila sa wedding preparations at mga small details na lang ang kanilang inaasikaso.

Ang gagawa ng gown niya ay si Patricia Santos while Francis will be wearing a suit made by Bianca Cordero. Both are local designers.

Isa sa mga ninang siyempre ang manager niyang si Becky Aguila at ilan naman sa mga ninong ay sina Wil­lie Revillame, Direk Edgar Mortiz at Sen. Tito Sotto.

After the wedding ay hindi pa raw sila nakapag­dedesiyon ni Francis kung dito ba sila sa ‘Pinas manana­tili or sa Guam kung saan nakabase ang kanyang future husband.

“If mag-Guam kami, siguro a year or two po ako mawawala sa showbiz kasi need naming ayusin ang papers sa Guam. But if may project, payag naman po si Francis na umuwi-uwi ako sa ‘Pinas. But we don’t know pa po kasi if required ba ng law na mag-stay po ako ru’n ng 1-2 years before ako puwedeng umalis-alis,” mensahe pa ni Val.

Samantala, ang aktres ang leading lady sa peliku­lang Marineros. Ginagampanan niya ang role na Nerissa na asawa ng karakter ni Ahron Villena na isang seaman.

“Marineros po kasi is about sa buhay ng mga seaman po. Kung ano ‘yung mga nangyayari sa buhay ng mga seaman habang nasa barko and back at home. So, maraming makaka-relate po sa movie namin. Hindi lang mga seamen, pati po mga OFWs and ‘yung may kapa­milya or kamag-anak po na OFWs,” saad pa ni Val.

Showing na sa Sept. 20 ang Marineros na passion project ng direktor na si Anthony Hernandez. The movie is also top billed by Michael de Mesa at kasama rin sa cast si Jon Lucas.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page