Walang red tape sa malasakit center
- M. Alfonso
- Aug 30, 2019
- 1 min read

NATULDUKAN sa pagtatayo ng Malasakit Center ang burukrasya at red tape sa paghingi ng tulong sa gobyerno ng mga mahihirap na Pilipino sa kanilang pagpapagamot.
Ayon kay Sen. Christopher ‘Bong’ Go, dati-rati ay napakaraming forms at requirements ang kailangang sagutin at dalhin para makahingi ng kapiranggot na medical assistance sa gobyerno.
Nakita umano niya at ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ugat ng problema kaya itinatag nila noong 2017 ang Malasakit Center na isang ‘one stop shop’ upang padaliin at pabilisin ang pagbibigay ng tulong.
Nitong Martes, napilitang magsagawa ng kauna-unahang privilege speech sa Senado si Go upang direktang ipaalam kay Albay Cong. Edcel Lagman na hindi sila namomolitika ni Pangulong Duterte sa pagtatayo ng mga Malasakit Center.
“May ibang pulitiko dyan, tulad ni Lagman, humihingi muna ng endorsement galing sa kanilang barangay leaders bago tumulong. Balita ko pinapapunta mo pa sa bahay mo ang mga tao para mag-avail lang ng benefits o assistance”, ani Go. Sinagot ni Go ang naunang paratang ni Lagman na ginagamit lang sa “partisan politics” ang Malasakit Center at pinopondohan ng Philippine Charity Sweepstakes Office.





Comments