top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Paggamit sa facilities ng philippine sports commission, may bayad

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 30, 2019
  • 1 min read

Dear Chief Acosta,

Maaari bang gamitin ng publiko ang sports facilities at centers na itinayo at pinananatili ng Philippine Sports Commission at may bayad ba ang paggamit nito? — Gerry

Dear Gerry,

Para sa inyong kaalaman, ang Section 3, Rule VIII ng “Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 6847 otherwise known as the ‘Philippine Sports Commission Act’” ay angkop sa inyong sitwasyon. Ayon sa nasabing alituntunin:

“Rule VIII SPORTS FACILITIES, COMPLEXES AND VENUES

“Section 3. Public Use of the Sports Facilities. The public may use the sports facilities for their sports development programs, provided, the Commission shall collect fees and charges, which are not contrary to law.”

Sang-ayon sa nabanggit na alituntunin, maaaring gamitin ng publiko ang sports facilities ng Philippine Sports Commission. Subalit, ang naturang Komisyon, bilang tagapangasiwa ng nasabing pasilidad ay binigyan ng batas ng karapatan upang magpatupad ng alituntunin sa pagpapagamit nito kabilang na ang paniningil ng kaukulang fee na hindi dapat lalabag sa ipinaiiral ng ating mga batas.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais nating ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page