No homework policy, gamit na gamit ng mga epal na pulitiko

PATI TAKDANG-ARALIN NG MGA ESTUDYANTE, IDINADAMAY SA KAEPALAN NG MGA PULITIKO—May isinusulong ngayon sa Kongreso na panukalang-batas na House Bill 3611. Nais ipatupad ng Department of Education (DepEd) ang no homework policy mula kindergarten hanggang high school.
Nakalulungkot isiping pati ang takdang-aralin (assignment) ng mga batang mag-aaral ay pinanghihimasukan na rin ng mga epal na pulitiko, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
PANELO, PINAGRE-RESIGN KAUGNAY SA ISYUNG PAGPAPALAYA KAY EX-MAYOR SANCHEZ—Pinasaringan ni retired Judge Harriet Demetriou ang mga umano’y nasa likod ng planong pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na convicted rapist at murderer, partikular na si Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Nanawagan si Demetriou, ang hukom na nagparusa kay Mayor Antonio Sanchez ng 7 counts ng reclusion perpetua, na mag-resign na sa puwesto si Panelo.
Sabi ng retiradong hukom, dapat nang magbitiw si Panelo sa puwesto dahil tila isinusulong daw nito ang pagpapalaya kay Sanchez, boom!
◘◘◘
MGA ILIGALISTA SA EASTERN PART NG METRO MANILA, DAPAT IPATOKHANG NI GEN. ALMAZAN—Nang ibalik ni P-Duterte ang operasyon ng lotto ay umarangkada na rin daw ang raket na lotteng nina “Dodo”, “Ben”, “Jerry”, “Egay” at “Kit” sa eastern part ng Metro Manila.
Kailan kaya “ipatotokhang” ni EPD Director Brig. Gen. Johnson Almazan ang mga iligalistang ito? Abangan!





Comments