Murder, rape, drugs etc. 2,000 KRIMINAL NA NAGPAKABAIT, PINALAYA

UMABOT na sa halos 2,000 inmates ang napalaya na mula noong 2013 hanggang 2019 ng Bureau of Correction (BuCor) na may iba’t ibang kaso na kinahaharap sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Ayon kay Atty. Frederick Antonio Santos, chief legal office ng BuCor, figures lamang ang kanilang maibibigay sa mga nakalayang preso at aniya hindi nila puwedeng pangalanan ang mga ito.
Hindi rin sinabi kung may mga high profile inmates na nakasamang lumaya, ito’y matapos pagsilbihan ang kanilang sentensiya sa loob ng Bilibid. Umabot sa 1,914 ang kanilang napalaya mula noong 2013 hanggang sa kasalukuyan na may kasong parricide na umabot sa 29.
Napalaya naman ang 797 sa kasong murder, 5 sa kidnapping w/illegal detention, 274 naman sa robbery w/violence or intimidation, 3 sa destructive arson, 758 naman sa rape at 48 sa dangerous drug act.
Tumanggi rin si Atty. Santos na banggitin kung kasama sa napalaya ang apat na Chinese drug lords at ang tatlong inmates na responsable sa panghahalay at pagpatay sa magkapatid na Chiong sa Cebu noong 1997.
Una nang pinabulaanan ni BuCor Chief Nicanor Faeldon na may pinirmahan siyang release order para sa paglaya nina Rowen Adlawan, Ariel Balansag at Alberto Caño na responsable sa panghahalay at pagpatay kina Marijoy at Jacqueline Chiong.
Ayon kay Atty. Santos, hindi qualified si dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez na makalaya dahil hindi sapat ang Good Conduct and Time Allowance (GCTA).
Nitong Agosto 20, napabalita si Sanchez ay isa sa 11,000 inmates na makakalaya sa loob ng dalawang buwan matapos ma-compute na ang GCTA.
Aniya, sa ngayon ay tigil muna ang recomputation ng GCTA hanggang Setyembre 5 habang pinag-aaralan ang binuong technical working group.





Comments