top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Mommy sinaksak sa leeg | 16-ANYOS NI-RAPE, KINATAY NG STEPDAD

  • Levi Gonzales
  • Aug 30, 2019
  • 1 min read

PATAY ang 16-anyos na da­lagita ma­tapos pagsasaksa­kin sa Bgy. Caridad, Ibaba, Atimonan, Quezon.

Kritikal naman ang kan­yang ina matapos saksakin ng itak sa leeg ng live-in partner na suspek.

Pasado alas-6:00 ng gabi, nasa labas at nakikipagku­wen­tuhan sa kapitbahay ang ginang na si Susan Retis, nang lapi­tan ng suspek na si Dario Salomeri.

Bigla umano siyang si­nak­sak sa leeg at naiwan pa ang patalim na nakatarak sa kanya saka tumakas. Bago naganap ang insi­dente, nauna pala nitong pi­natay sa saksak si Regine Retis, 16, na natag­puang du­guan sa loob ng banyo at walang saplot.

Ayon sa nakainuman ng suspek, masaya pa silang nag-iinuman sa loob ng ba­hay nila hanggang sa mag­paalam ito sa kanya.

Inaalam pa kung selos ang motibo sa krimen at kung hi­na­lay ang menor-de-edad habang patuloy na pi­nagha­hanap ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page