Kahit niloko na… SUNSHINE, GAME PA RING MAKIPAGBALIKAN SA MISTER

Nitz Miralles / BIDA

“Co-parenting” pa rin ang status nina Sunshine Dizon at estranged husband na si Timothy Tan, pero hindi sila nagkabalikan after maghiwalay dahil sa third party sa part ng guy. Kaya nang tanungin si Sunshine sa presscon ng romance anthology na Wagas kung naniniwala siya sa second chance, nagpakatotoo ito sa sagot na mahirap sagutin ang tanong.
“Ang hirap sagutin dahil sa pinagdaanan ko. But I always look at the positive side of life. If it is the right time at kung ‘yun ang will ni Lord, that will happen. Sa ngayon, okay ang setup namin at sanay na ang mga bata, nakapag-adjust na sila na hindi magkasama ang parents nila,” sagot ni Sunshine.
Relate na relate si Sunshine sa karakter ni July at sa story ng Throwback Pag-ibig
dahil maghihiwalay sina July at Ryan (Mike Tan) at may anak silang involved. Ang maganda sa episode, hindi dramang-drama ang mga eksena at dialogue, light ang treatment ni Director Adolf Alix, Jr., hindi masyadong mabigat sa mga viewers.
One month masusubaybayan ang love story nina July at Ryan kasama ang anak na si Smile (Leanne Bautista). Kasama rin sa cast sina Regine Angeles at Lovely Abella.
Grateful si Sunshine na siya ang napili ng GMA Public Affairs sa opening episode ng Wagas sa bagong time slot.
“Happy ako kasi malapit sa puso ko ang mga taga-GMA Public Affairs. I always enjoy working with them,” sabi nito.





Comments