top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Hindi na kailangan pang magtiis ng mga estudyante | Upuan at lamesa para sa mga kaliwete, nilagdaan

  • Ryan B. Sison
  • Aug 30, 2019
  • 2 min read

SAKRIPISYO para sa mga kaliweteng estudyante ang pagsusulat gamit ang lamesa na hindi angkop sa kanilang pangangailangan kung saan marami ang hindi komportable sa tuwing sila ay pumapasok sa eskuwelahan at wala silang magawa kung hindi ang magtiis na lang.

Gayunman, good news dahil nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na may layuning maglagay ng neutral desk sa mga eskuwelahan sa bansa. Ito ay para matugunan ang pangangailangan ng mga left handed na estudyante.

Samantala, base sa Republic Act 11394 o Mandatory Provision of Neutral Desks in Edu­cation Institutions Act na nilagdaan noong August 22, inoobliga ang mga educational ins­titution pribado o pampubliko man na mag­la­gay ng armchair na magsisilbing neut­ral desk para sa mga left o right handed na es­tudyante.

Nakasaad sa batas na dapat magkaroon ng neutral desk ang 10 porsiyento ng kabuuang populasyon ng estudyante sa eskuwelahan at sa susunod na mga taon ay dapat madagdagan pa ang mga ito.

Dagdag pa rito, iniutos din ng batas sa De­partment of Education (DepEd), Commis­sion on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pagtukoy ng regulasyon kabi­lang ang administrative penalties o multa sa mga hindi susunod.

Sa ngayon, marami ang natuwa sa batas na nabanggit, partikular na ang mga kaliwe­teng estudyante, pero mayroon ding mga kumontra dahil masyado raw mababaw ang isyu para gawin pang batas, lalo na at mas ma­raming malalaking isyu ang dapat sinoso­lusyunan.

Sa totoo lang, kahit sabihin pang maba­baw ang isyu, malaki pa rin ang maitutulong nito at nakatutuwa na matapos ang mahabang panahon ay nabigyang-pansin din ang ganitong problema.

Kaya, hiling natin sa mga kinauukulan, patuloy na solusyunan ang simple o malalaking pangangailangan ng mamamayan!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page