top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

2 kelot, tinodas ng armado

Pabs Hernandez III
Aug 30, 2019
1 min read

LAGUNA—Dalawang lalaki ang namatay nang pagbabarilin ng hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. San Rafael, San Pablo City.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Jaymark Espregante, 20, at Dave Christian Garcia, 25, kapwa nakatira sa naturang lungsod.

Nabatid na habang nangunguha ng gagamba ang dalawang biktima ay bigla silang nilapitan ng suspek at agad pinagbabaril.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaril sa mga biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page