Pagkatay ng aso, legal basta parte ng ritwal ng mga katutubong grupo
- BULGAR

- Aug 29, 2019
- 2 min read
Dear Chief Acosta,
Last week, nag-travel kami ng mga kaibigan ko sa probinsiya. May mga katutubo roon at nagulat ako dahil mayroon silang ginagawang ritwal kung saan nagkakatay sila ng aso. Bilang may mga alaga kaming aso sa bahay, inireklamo ko sila sa barangay doon, pero sinabihan kami na hindi raw sila maaaring ireklamo kasi kasama raw ang ginawang pagkatay sa kultura ng naturang mga katutubo. Totoo ba ‘yun? — Mako
Dear Mako,
Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 6 ng Republic Act (R.A.) No. 8485 o mas kilala bilang “The Animal Welfare Act of 1998” na ang pagkatay sa hayop sang-ayon sa kultura ng ethnic groups ay hindi ipinagbabawal. Subalit, mayroong mga kondisyon na nakasaad sa batas para pairalin ito. Ayon dito:
“Section 6. It shall be unlawful for any person to torture any animal, to neglect to provide adequate care, sustenance or shelter, or maltreat any animal or to subject any dog or horse to dogfights or horse fights, kill or cause or procure to be tortured or deprived of adequate care, sustenance or shelter, or maltreat or use the same in research or experiments not expressly authorized by the Committee on Animal Welfare.
The killing of any animal other than cattle, pigs, goats, sheep, poultry, rabbits, carabaos, horses, deer and crocodiles is likewise hereby declared unlawful except in the following instances:
(1) When it is done as part of the religious rituals of an established religion or sect or a ritual required by tribal or ethnic custom of indigenous cultural communities; however, leaders shall keep records in cooperation with the Committee on Animal Welfare; xxx” (Binigyang-diin)
Samakatwid, ang pagkatay sa hayop bilang parte ng ritwal ng katutubong grupo ay hindi ipinagbabawal basta ang prosesong gagamitin ay makatarungan at ang gagawing pagpatay ay may kooperasyon ng Committee on Animal Welfare.
Sa inyong sitwasyon, kung ang ritwal na ginawa ng mga katutubo sa probinsiyang inyong pinuntahan ay sumunod sa mga nabanggit na panuntunan, tama ang barangay sa kanilang ipinabatid sa inyo.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments